Libu-libung bombero ang nagtutulungan para maapula ang bushfires sa Victoria state sa Australia, na tumupok na sa maraming mga bahay at nawalan ng suplay ng kuryente ng maraming mamamayan.

Ayon sa mga awtoridad, ang apoy na nagsimula nitong Miyerkoles ay lumaki bunsod na rin ng matinding heatwave sa southwest ng Australia, kung saan napinsala ang mahigit 300,000 hectares ng bushland.

Patuloy pa rin ang 10 malalaking sunog sa nasabing estado ng Australia.

Mahigit 130 na istraktura, kabilang ang mga bahay ang nasira at nasa 38,000 na mga residente at mga negosyo ang walang kuryente dahil sa apoy.

Ayon sa mga awtoridad, ito ang pinakamalalang naranasan sa estados buhat noong mangyari ang Black Summer noong 2019 hanggang 2020 na sumira sa lugar na kasinglaki ng Turkey at kumitil sa buhay ng 33.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Victoria Premier Jacinta Allan na libu-libong bombero ang nasa lugar para apulain ang mga apoy.