Libu-libong katao ang inilikas sa southern China at marami pa ang nasa panganib habang nagpapatuloy ang malalakas na ulan na nagdudulot ng flash flodding at mudslides.
Ayon sa report ng Chinese state media, nasa 13 na ang nasawi buhat noong June 9.
Maraming mga lugar ang lubong ngayon sa tubig-baha kasabay ng pagkukumahog ng emergency responders sakay ng speedboats sa pag-rescue sa mga stranded.
Ang siyam sa mga namatay ay mula sa lungsod ng Meizhou sa Guangdong province, isa sa matinding binaha.
Una rito, mahigit 10, 000 na katao ang inilikas mula sa Meizhou at mahigit 130, 000 ang walang suplay ng kuryente.
Sa kalapit na probinsiya ng Fujian, apat na katao ang iniulat na nasawi dahil sa malalakas na ulan.
Tinatayang mahigit 586, 000 na katao ang apektado ng kalamidad sa buong China.