CTTO: wordpress.com

Nakitaan ng pangangailangan para sa life vest ang mga estudyante na tumatawid ng dagat sakay ng bangka mula Palaui island para makarating sa paaralan sa mainland at vice versa.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Lt. Commander Rodney Cudal ng Naval Forces Northern Luzon na kulang ang mga life vests sa mga pump boat na sinasakyan ng mga mag-aaral sa isla lalo na sa high school patungo sa kanilang eskwelahan sa mainland.

Kasabay nito ay nanawagan ng donasyon si Cudal para sa life vest upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at maging mga safety equipments para sa mga mangingisda sa lugar.

Tinig ni Lt. Commander Rodney Cudal ng Naval Forces Northern Luzon

Samantala, nasa mahigit 200 benepisaryo ang nabigyan ng medical at dental services ng Naval Forces sa nasabing isla.

Bukod sa naturang mga serbisyo ay tumanggap din ng libreng gamot at at tsinelas ang mga magulang at mag-aaral sa Palaui Elementary School.

-- ADVERTISEMENT --

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng programa ng nasabing grupo sa layuning mailapit ang serbisyo ng gubyerno sa mga malalayong lugar.

Susunod na pupuntahan ng Philippine Navy ang Camiguin Island para ipaabot ang serbisyo ng gubyerno sa buwan ng Abril.

Tinig ni Lt. Commander Rodney Cudal ng Naval Forces Northern Luzon