TUGUEGARAO CITY-Posibleng tanggalin na ang measles outbreak sa Region 2 ngayong buwan o sa Hunyo.
Sinabi ni Dan Reyes,health education and promotion officer ng Department of Health Region 2 na ito ay dahil sa wala nang naidagdag na kaso ng tigdas mula May 11 hanggang 20.
Ayon sa kanya,nanatili sa 536 ang naitalang kaso ng tigdas simula noong buwan ng Enero kung saan ang karamihan ay mga nakapitan nito ay mga bata.
Idinagdag pa ni Reyes na hinihintay na lamang na matapos ang incubation period ng mga nagkatigdas sa ilang bayan sa Isabela at Cagayan habang tapos na sa Nueva Vizcaya at Quirino.
-- ADVERTISEMENT --
Kaugnay nito, sinabi ni Reyes na 50 percent na ang natapos ng DOH sa kanilang measles outbreak response immunization program at iba pang pagbabakuna.