
Lima ang nasawi sa sunog na sumiklab sa Sorsogon City Public Market noong Sabado ng gabi, Oktubre 24.
Ayon sa Bureau of Fire Protection o BFP-Sorsogon City, umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas-2:27 ng madaling-araw nitong Linggo.
Rumesponde rin sa insidente ang Philippine Coast Guard sa pamamagitan ng Coast Guard Station Sorsogon at Coast Guard Sub-Station Talisay upang tumulong sa mga isinagawang hakbang kaugnay ng insidente.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at ang lawak ng pinsala sa mga ari-arian.










