Kasalukuyan pa ang imbestigasyon sa tunay na sanhi ng pagbangga ng isang closed van sa isang metal fence sa Central Luzon Link Expressway sa Tarlac, na ikinamatay ng limang pasahero ay ikinasugat ng siyam na iba pa.

Sa pagtatanong mga awtoridad sa driver, sinabi niya na biglang nawalan siya ng kontrol sa manebela na dahilan ng pagbangga niya sa metal fence.

Kabilang ang driver sa mga nasugatan na dinala sa pagamutan.

Sinabi ng mga pasahero na mabilis ang takbo ng van at hiniling ng mga ito sa driver na bagalan.

Ang mga biktima ay mga trabahador mula sa Caloocan City na papunta sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa pulisya, maaaring ituring ito na self-accident, dahil wala namang sangkot na ibang sasakyan nang mangyari ang aksidente.

Idinagdaga pa ng pulisya na kung titingnan ang impact, mabilis ang takbo ng van na nasa 80-100 kilometer per hour.