Nasa kustodiya ng Philippine National Police ang lima sa pitong persons of interest sa pagdukot at pagpatay sa beauty pageant candidate Geneva Lopez at kanyang Israeli boyfriend Yitshak Cohen.

Sinabi ni PNP chief Gen. Rommel Marbil, ang tatlo ay inaresto sa magkakaibang kaso, dalawa ang sumuko at nagbigay ng kanilang mga testimonya at ang dalawa ay at large.

Ayon kay Marbil na na aarestuhin ang dalawang at large sa sandaling makakalap sila ng sapat na ebidensiya at pagsasampa ng mga kaso.

Una rito, nakita ng Criminal Investigation and Detection Group at Tarlac police ang mga labi ni Lopez at Cohen sa quarry site sa Barangay Sta. Lucia in Capas, Tarlac, dalawang linggo matapos na sila ay mawala noong June 21.

Una ring napaulat na ang dalawa sa pitong persons of interest ay dating mga pulis.

-- ADVERTISEMENT --

Kinilala ang isa na si Michael Angelo Guiang.

Siya ang sana ay middleman na dapat na makakausap nina Lopez at Cohen noong June 21 para sa agricultural land na balak bilhin umano ng dalawa.

Samantala, inaresto ang isa pang dating pulis na kinilalang si Rommel Abuza sa hiwalat na operasyon noong July 6.

Nahaharap ang dalawa sa paglabag sa firearms regulation law at possession of an explosive sa ilalim ng Republic Act No. 9516.

Itinalaga sina Guiang at Abuza sa Angelec City police sa kasagsagan ng COVIC-19 pandemic.

Sila ay tinanggal sa serbisyo dahil sa absence without leave.