Photo: 5th Infantry Division, Philippine Army

Naibaba na mula sa mabundok na bahagi ng Brgy. Dungeg, Sta. Teresita ang limang bangkay ng mga rebeldeng napatay sa naganap na engkwentro kamakailan.

Sa panayam kay MAJ Jekyll Julian Dulawan ng Division Public Affairs Office, naiturn-over na sa PNP Sta Teresita ang mga labi ng mga nasawi upang mailipat sa maayos na himlayan.

Sinabi niya na ang mga labi ng mga hindi pa pinangalanang napatay sa engkwentro ay maaari namang iclaim ng kanilang mga kaanak.

Mula sa nasabing bilang ay isa aniya ang Babae habang apat ang lalaki.

Photo: 5th Infantry Division, Philippine Army

Sa imbestigasyon ng mga otoridad ay sinabi niya na maaring namatay sila dahil sa mga naapakang landmines at sa cross fire sa engkwentro sa pagitan ng militar.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na nakakita rin ang tropa ng militar ng mga damit na may mga dugo sa mga lugar na maaaring dinaanan ng mga tumakas na miyembro ng makakaliwang grupo.

Nadagdagan din aniya ang mga baril, granada at iba pang pampasabog na narekober at may mga nakita pang mga medical supplies at contraceptives sa patuloy nilang paghahalughog sa lugar.

Hinikayat nito ang mga sugatang nakatakas na sumuko sa pamahalaan upang magamot.