Naipasakamay na sa Cagayan Provincial Explosive Ordnance Disposal ang narekober na limang bomba sa magkahiwalay na lugar sa bayan ng Gattaran.
Ayon kay PLT Florianne Enriquez, deputy chief of police ng PNP-Gattaran, unang nadiskubre ng isang babaeng nagpapastol ng baka ang isang vintage bomb na may bigat na 100 pounds o 45 kilos sa isang abandonandong bahay sa Brgy Takiki noong hapon ng Martes, August 2.
Sumunod namang nahukay ng Canine Unit at 2nd Maneuver Force Platoon ng Provincial Mobile Force Company ang apat na unexploded ordnance na Japanese cartridge high explosive sa isang bakanteng lote ng Brgy Centro Sur na itinawag ng isang concerned citizen.
Kasabay nito, pinaalalahanan ni Enriquez ang publiko na huwag mag-atubili na ipagbigay alam sa mga otoridad kung may matagpuang mga kahalintulad na bomba upang makaiwas sa panganib na maaaring idulot nito.