TUGUEGARAO CITY- Muling nakapagtala ang Department of Health Region 2 ng karagdagang limang kaso ng Delta Variant sa buong rehiyon.

Sa inilabas na datos ng kagawaran, tatlo sa mga pasyente ay mula sa Tumauini, Isabela, isa sa Santiago

City at isa din ang galing ng Tuguegarao City.

Batay sa isinagawang pagsusuri ng UP Genome Center at UP National Institutes of Health nitong Agosto 21

,mula sa 746 samples ay 466 dito ang nagpositibo sa Delta variant sa buong bansa at sinasabing pito ang

-- ADVERTISEMENT --

nagmula sa region 2.

Ngunit paglilinaw ng DOH Region 2, sa pagsisiyasat ng Regional Empidemiology and Surveillance Unit ay

lumalabas na bagamat dito sa rehiyon ang permanenteng tirahan ng dalawa ay sa ibang rehiyon sila

kasalukuyang naninirahan maging ng magpositibo sila sa virus at kinalaunang sinuri sa pamamagitan ng genome sequencing.

Dahil dito, 21 isa na ang delta variant sa rehion.