Limang katao ang nasawi, 20 ang sugatan at dalawa ang nawawala dahil sa masamang panahon dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at shear line.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga nasawi ay mula sa Region 2, 4-A, 4-B, 5, 8, at 11.
Samantala umaabot na sa 436,164 indibidwal o 139,000 pamilya ang apektado ng masamang panahon.
Kabilang dito ang 549 pamilya o 2,366 indibidwal na kasalukuyang nananatili sa 29 evacuation centers.
Tinatayang umabot naman sa P215.7 milyon ang halaga ng pinsala na may 698 bahay ang partially damaged at 394 naman ang totally damaged.
-- ADVERTISEMENT --
Samantala, idineklara naman ang state of calamity sa Baco, Oriental Mindoro, at maging sa Don Marcelino at Malita sa Davao Occidental.