Limang katao na ang namatay at marami ang nasugatan matapos ang pananalasa ng bagyong Shanshan sa Japan.
Ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA), dala ng bagyo ang hangin na hanggang 252 kilometers (157 miles) per hour at malalakas na ulan at binayo nito ang main southern island ng Kyushu kahapon.
Ito umano ang pinakamalakas na bagyo ngayong taon at isa sa pinamalakas ang landfall buhat noong 1960.
Makalipas ang ilang oras ay humina ang bagyo, subalit patuloy ang malalakas na ulan sa Kyushu at sa ibang bahagi ng Japan habang mabagal na naglalakbay papunta ng main island ng Honshu.
Kabilang sa mga namatay ay isang lalaki na bumagsak ang kanyang dalawang palapag na bahay sa Tokushima Prefecture.
Nagbabala ang Japan Meteorological Agency ng panganib ng pinsala ngayong araw na ito dahil sa posibleng mga malalakas na ulan na dala ng bagyo sa western Japan.