Umaabot na sa mahigit 400,000 na mga bahay at establishments sa California ang walang elektrisidad dahil sa wildfires sa Los Angeles.

Nasa anim na wildfires ang sumiklab noong Martes sa Los Angeles at Ventura counties, kung saan lima na ang naitalang nasawi at marami ang nasugatan.

Umaabot na rin sa 150,000 katao ang pinalikas dahil sa nasabing sakuna.

Ayon sa report, patuloy ang paglaki ng Palisades Fire sa seaside area sa pagitan ng Malibu at Santa Monica, kung saan mahit 1,000 na istraktura ang nasira, kung saan ito ang pinakapaminsala na sunog sa Los Angeles County.

Ang isa pang matinding apoy ay ang Eaton Fire, kung saan nanganganib na masunog ang nasa 13,000 na gusali.

-- ADVERTISEMENT --

Nagkukumahog naman ang emergency workers sa pag-apula ng wildfires.

Ayon sa LA county Fire Department, wala silang sapat na tauhan para sa pag-apula ng apat na wildfires.

Nagpapalala sa wildfires ang malakas na hangin at pansamantalang grounded na firefighting aircraft.