Nasawi ang limang Persons Under Police Custody matapos masangkot sa aksidente ang sinasakyan nilang police mobile sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Police District, naganap ang insidente bandang alas-11:00 ng umaga ngayong April 24 sa Payatas Road corner Group 5, Barangay Payatas B.

May sakay na apat na PNP personnel ang sasakyan at anim na PUPC.

Batay sa ulat, lima sa mga PUPC ang idineklarang dead on arrival ng attending physician, habang ang isa naman ay kasalukuyang ginagamot at sumasailalim sa operasyon.

Sugatan din ang apat na pulis na sakay ng mobile.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente.

Samantala, nakikiramay naman ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon City sa pamilya ng mga nasawi sa insidente.

Makakaasa umano ang mga naulilang pamilya na sasagutin ng Pamahalaang Lungsod funeral at burial services para sa mga binawian ng buhay.