Limang refueling plane ng US Air Force ang tinamaan at nasira habang nasa ground sa Prince Sultan Air Base sa Saudi Arabia, ayon sa ulat ng Wall Street Journal (WSJ).

Iniulat ng media outlet, na nasira ang mga eroplano sa mga pag-atake ngunit hindi ito nawasak.

Ayon sa ulat, walang namatay sa mga pag-atakeng ito.

Sinasabing ang mga sasakyang panghimpapawid ay kasalukuyang inaayos.

Ito ay matapos ang pagbagsak ng isang US refueling plane dalawang araw bago nito, na pinagbabaril ng isang grupong Islamic resistance na suportado ng Iran sa kanlurang Iraq, na nagresulta sa pagkamatay ng anim na tripulante.

-- ADVERTISEMENT --