ctto

TUGUEGARAO CITY-Patay ang isang lineman matapos makuryente sa barangay Santa Margarita, Baggao, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Reynen Pasion, 46-anyos , residente ng Barangay San Francisco sa nasabing bayan at lineman ng Cagayan Electric Cooperative o Cagelco 1.

Ayon kay PSMSGT Raquel Tagudin, imbestigador ng kaso, kasalukuyang nag-aayos ng linya ng kuryente ang biktima ng aksidente itong makuryente.

Sinubukang dalhin sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead-on arrival ng umasikasong duktor.

Samantala, nagpahayag naman ng pakikidalamhati ang pamunuan ng Cagelco 1 sa pagkamatay ng kanilang kasamahan maging sa iniwang pamilya ni Pasion at nagpasalamat sa serbisyong inialay ng biktima.

-- ADVERTISEMENT --