Nagpatupad ng liquor ban ang pamahalaang panlungsod ng Tuguegarao kasabay ng paggunita ng Mahal na Araw.
Batay sa executive order no. 11 na inisyu ni Mayor Maila Ting-Que, epektibo ang liquor ban mula April 17 hanggang 19.
Sa ilalim ng kautusan, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibenta at pagkonsumo ng mga nakalalasing na inumin.
Layon ng naturang executive order ay para sa promosyon ng katahimikan at kapayapaan ngayong Semana Santa.
Inisyu ng alkalde ang kautusan kasunod ng isinagawang konsultasyon sa City Disaster Risk Reduction and Management Council at City Peace and Order Council.
Samantala, nakadeploy na ang mga tauhan ng CDRRMO at rescue teams ng LGU Tuguegarao City, volunteers, Barangay Officials, PCG Auxiliary at mga personnel mula sa PNP, upang magbantay at magbigay seguridad sa mga lugar na malapit sa ilog ngayong Semana Santa 2025, partikular sa mga barangay ng Larion Alto, Tanza, Centro 1, at Cataggaman Viejo.