Bawal pa rin ang pag-inom ng mga nakalalasing na inumin sa mga pampublikong lugar sa kabila ng pagtanggal sa liquor ban sa Tuguegarao City.

Ito ang ipinaalala ni Mayor Jefferson Soriano matapos matapos maglabas ng Executive Order No.58 sa pagpapahintulot sa pagbebenta ng alak kung saan tanging sa loob ng bahay lamang ito iinumin.

Ayon sa alkalde, ang EO sa pagbawi sa Liquor ban sa lungsod ay ginawa alinsunod sa guidelines ng national at provincial government kaugnay sa implementasyon ng liquor ban sa ilalim ng General Community Quarantine.

Naunang ipinagbawal ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine noong March 24, 2020 sa bisa ng City Ordinance.

Ito ay sa gitna ng pagpapatupad ng health protocols, kabilang ang social distancing bilang hakbang kontra sa paglaganap ng coronavirus disease.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, matapos ang anunsiyo ng alkalde ay ikinatuwa ito ng mga negosyante, maliliit na tindahan at maging ng mga umiinom ng alak.