TUGUEGARAO CITY-Ipinaalala ng Police Regional Office (PRO-2) ang umiiral na liquor ban kaugnay sa idaraos na National at Local election ,bukas.

Ayon kay Police Lt.Col. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng PNP-Region II, na mahigpit itong ipatutupad ng kanilang hanay.

Aniya, mahaharap sa isa hanggang anim na taon na pagkakakulong ang sinumang mapapatunayan na lalabag sa liquor ban.

Nagsimula ang liqour ban kaninang alas 12 ng hating gabi, mayo 12, 2019 na tatagal hanggang sa Mayo 13.

Binigyan diin ni Iringan na ipinatupad ang liquor ban para masiguro ang maayos at mapayapa na pagdaraos ng election, bukas.

-- ADVERTISEMENT --