TUGUEGARAO CITY-Muling ipinatupad ang liquor ban sa lungsod ng Tuguegarao dahil ilan sa mga naitalang nagpositibo sa covid-19 ay nahawaan matapos makainuman ang isang carrier ng virus.

Iniutos ni Acting Mayor Bienvenido De Guzman ng Tuguegarao ang liquor ban sa pamamagitan ng executive order no. 93.

Ayon kay De Guzman, agad na ipinatupad ang nasabing kautusan ngayong hapon ng Setyembre 17, 2020 na magtatagal hanggang Setyembre 30.

Aniya, karamihan sa mga na- contact trace na nakasalamuha ng mga naiulat na nagpositibo sa covid-19 sa lungsod ay nakainuman ng mga naitalang kumpirmadong kaso.

Dahil dito, sinabi ng opisyal na agad nila itong ipinatupad para maiwasan ang pagkumpol-kumpol ng mga tao na bibili ng alak sa mga establishimento.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon , nasa 35 confirmed cases na ang naitala dito sa lungsod ng Tuguegarao.