Tuguegarao City- Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) Region 2 ang pamamahagi ng livestock and poultry livelihood assistance upang tulungan ang mga magsasaka sa lambak ng Cagayan.

Ang naturang proyekto ay sa ilalim ng Plant-Plant-Plant Program ng DA kung saan layuning bigyan ng alternatibong pagkakakitaan ang mga magsasakang higit na naapektuhan ng tagtuyot.

Sa panayam kay Roberto Busania. Regional Technical Director on Operations and Extension, una ng namahagi ng mga alagang pato ang DA sa ilang mga barangay sa lungsod ng Tuguegarao.

Aniya, nasa 47 household beneficiaries palamang ang unang nabigyan ng mga pato at magtutuloy-tuloy pa ang pamamahagi sa mga magsasakang pasok sa kwalipikasyon ng mabibigtan.

Ayon pa sa opisyal ay makakatanggap ng ganitong ayuda ang mga benepisyaryong may isang ektarya pababa ang sukat ng lupang sinasaka.

-- ADVERTISEMENT --

Ihihayag pa nito na maaari silang mag-realign ng pondo upang magamit pa sa pambili ng mga manok, kambing at iba pang alagang hayop na maaaring ipamahagi sa mga magsasaka.

Samantala, sa ngayon ay patuloy naman ang pamamahagi ng DA ng mga vegetable seeds bilang tugon sa mandatong isulong ang urban gardening para sa food sufficiency program ng kagawaran.