Isinulong ng Agriculture Livestock Farmers Inc. ang pagtaas ng liveweight ng baboy dito sa lalawigan ng Cagayan.
Sinabi ni Randymax Bulaquit, presidente ng nasabing asosasyon, nakipag-ugnayan sila sa lahat ng asosasyon, kooperatiba at mga hog raisers para makapagtakda ng nas mas mataas na liveweight ng mga baboy na ngayon umiiral ay umiural na ang P190-P250 per kilo.
Ayon kay Bulaquit, dapat lamang na maitaas ang liveweight ng mga baboy dahil sa mataas na presyo ng karne ng baboy sa mga palengke na umaabot na ngayon sa halos P350 per kilo.
Sinabi niya na hindi ito tugma ang mataas na presyo ng karne ng baboy sa dating presyo ng liveweight ng mga baboy na P140-P150 per kilo.
Kaugnay nito, sinabi ni Bulaquit na ang isa sa nakikita nilang dahilan sa pagtaas ng presyo ng karne ng baboy sa Cagayan ay ang kakulangan ng supply.
Sinabi niya na sa kanilang monitoring, iilan lamang ang nag-alaga ng baboy nitong huling bahagi ng taong 2024 dahil sa takot na maapektohan ito ng African swine fever, mababang presyo, at mataas na halaga ng feeds o farm inputs.
Umaasa si Bulaquit na ngayong unang bahagi ng taon ay muling sisigla ang hog industry sa lalawigan dahil sa may mga nagsimula muling mag-alaga ngayong buwan ng Enero.
Ayon sa kanya, namigay na rin sila ng piglets sa ilang hog raisers.