
Ibinaba na sa 15 tonelada mula sa dating 20 tonelada ang load limit ng Magapit Suspension Bridge sa Magapit, Lal-lo, Cagayan.
Ayon kay Mark Kevin Agcaoili, tagapagsalita ng LGU Lal-lo na ito ang naging rekomendasyon sa isinagawang inspeksyon ng lokal na pamahalaan at DPWH sa nasabing tulay.
Ang pagbabawas sa load limit ng halos 50-taon nang tulay ay bilang pag-iingat kasunod ng pagbagsak ng Piggatan Bridge sa bayan ng Alcala.
Sinabi ni Agcaoilo na maaaring gamitin ang Camalaniugan Bridge bilang alternatibong ruta sa mga malalaking truck na may mabibigat na karga.
Sa ngayon ay nagtalaga na ang PNP-Lal-lo ng mga pulis na magbabantay 24/7 sa tulay upang walang makalusot na mga sasakyang lagpas sa 15 tons.
-- ADVERTISEMENT --