Tuguegarao City- Isinusulong ngayon ng Department of Agriculture (DA) Region 2 ang pamamahagi ng loan assistance sa mga kabatang nagnanais tutukan ang agripreneur industry.
Sa panayam kay Bernard Malazzab Jr. ng DA Region 2, isa ang Kapital Access for Young Agripreneurs (KAYA) sa iniaalok na programa ng DA.
Aniya, maaaring pahiramin ng ahensya ang mga qualipikadong aplikanteng may edad 18-30 ng hanggang P500k at zero percent interest.
Paliwanag nito, na kabilang sa mga maaaring mag-apply ay ang mga nakatapos ng kurso at kahit walang kaugnayan sa agricultural courses.
Sinabi pa ni Malazzab na kailangan ding mag prisinta ng business plan ang isang aplikante at mandatory na sumailalim sa mga trainings at seminars ng DA kaugnay sa nasabing programa.
Ayon kay Mabazza, kung maaaprubahan ang kanilang application ay doon palamang papasok ang agreement na pipirmahan ng aplikante.
Kaugnay nito ay titiyakin aniya ng DA Region 2 na magagabayan ang mga qualipikadong aplikante mula sa production hanggang marketing ng kanilang mapipiling negosyo.
Magsasagawa din aniya sila ng monitoring sa lahat ng mga benepisyaryo ng programa na magtatayo ng mga negosyo.
Samantala, kung sinoman aniya ang mga nais na mag-aaply sa programa ay maaaring magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng DA Office sa kanilang mga lugar upang magabayan sa kanilang mga katanungan.
Ito ay bahagi pa rin ng hakbang ng kagawaran na tulungan ang publiko sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa ngayong panahon ng pandemya.