TUGUEGARAO CITY-Tahimik at maayos na natapos ang isinagawang local absentee voting ng mga kapulisan sa Rehiyon dos.

Ayon kay Lt. Col. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO-2)mula sa 68 na mga pulis na inaasahang boboto ay 59 ang nakapagboto.

Aniya, maaring dahil sa trabaho o personal na dahilan ang sanhi kung bakit hindi nakarating ang siyam na pulis na PRO-2 para sa local absentee voting.

Napag-alaman na kahapon, April 29 lamang ang LAV para sa mga pulis sa Rehiyon.

Samantala , sinabi ni Iringan na patuloy parin ang pagtutok ng kanilang hanay sa gun ban may kaugnayan sa paparating na election at pagsilbi ng search warrant sa mga gun holders na hindi pa nakakapagrenew ng lisensiya ng kanilang baril.

-- ADVERTISEMENT --