TUGUEGARAO CITY-Plano ng Pamahalaang Panlungsod ng Tabuk, Kalinga na gawing pribado ang Local Water Utilities ng lungsod.

Ayon kay Mayor Darwin Estrañero ng Tabuk City, Kalinga, mas malaki umano ang inilalaan ng City Government para sa maintenance ng Tabuk City Water System kumpara sa ibinabayad na renta sa pasilidad nito.

Ang water system ng Tabuk City ay pagmamay-ari ng Calapan waterworks corporation kung saan nagbabayad umano ng P8 milyong piso ang kumpanya bilang renta ng pasilidad ng pamahalang panlungsod.

Napag-alaman na ang syudad ng Tabuk ang nagbabayad sa maintenance ng water facilities.

Pinawi naman ni Estrañero ang pangamba ng mga water consumers na tataas ang bayad sa konsumo ng tubig kung gawing pribado ang Tabuk Water System.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, kung matutuloy na gawing pribado ang naturang water system ay ipaparehistro ito sa National Water Resources Board na siyang magre- regulate sa mga babayaran sa konsumo sa tubig.