Nagulantang ang isang liblib at mabundok na lugar sa bayan ng Compostela, northern Cebu matapos ang brutal na pananaga sa isang lola na 68-anyos at sa kanyang apo na lalaki na limang taong gulang.

Nangyari ang pagpatay sa mag-lola habang sila ay natutulog sa kanilang bahay sa Purok Lumboy, Barangay Panangban.

Ayon sa pulisya, lima ang biktima, batay sa kanilang paunang pagsisiyasat, subalit dalawa ang dead on the spot matapos na magtamo ng maraming taga sa kanilang katawan.

Nahuli ang suspek na kinilalang si Jayson Avila sa pinangyarihan ng krimen matapos na tumawag ng tulong sa mga barangay tanod ang kanilang mga kapitbahay.

Inatake rin umano ni Avila ang dalawa pang miyembro ng pamilya, na nagtamo din ng mga taga at kasalukuyan na ginagamot sa ospital.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ng pulisya na magkakamag-anak ang suspek at mga biktima.

Unang pinasok umano ni Avila ang ng 2 a.m. kahapon ang bahay ng mag-lola at pinagtataga niya ang mga ito.

Pagkatapos nito ay pumunta siya sa kalapit na bahay at pinagtataga din ang mga nakatira doon.

Ayon sa isang barangay tanod, binasag ng suspek ang jalousie blades ng bintana ng bahay, kung saan siya dumaan para makapasok sa bahay ng kalapit na bahay ng mag-lola.

Inatake ng suspek ang mag-asawa, sa kabila ng kanilang mga sugat, nanlaban ang mga ito at sinubukan na agawin ang dala niyang itak.

Nang marinig ng mga kapitbahay ang komosyon, agad silang tumawag ng mga tanod.

Sa panayam ng mga awtoridad sa mag-asawa, madalas umano na nagkakaroon ng pagtatalo ang pamilya sa suspek.

Inaakusahan nila ang suspek na nilulustay ang pera ng kanyang asawa na nasa ibang bansa.

Bukod dito, sinabi nilang gumagamit din ng iligal na droga ang suspek, at naniniwala sila na posibleng naka-droga siya ng ginawa niya ang krimen.

Samantala, sinabi ng pulisya na patuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon sa nasabing kaso.