TUGUEGRAO CITY- Arestado ang isang lolo sa kasong 39 counts of rape kung saan ang biktima ay kanyang sariling apo sa Sto. Niño, Cagayan.

Ayon kay PLTCOL Andri Abella, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO-2) na batay sa salaysay ng

menor-de-edad na biktima, maraming beses umano siyang ginahasa ng kanyang lolo, 64-anyos, magsasaka at

residente ng Brgy. Lattac na nagsimula noong March 2018.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, hindi kaagad nakapagsumbong ang bata dahil sa pagbabanta ng kanyang lolo na siya’y papatayin at

ng kanyang mga kapatid.

Gayunman, sinubukan pa rin ng biktima na magsumbong sa kanyang ama subalit hindi ito pinaniwalaan

hanggang noong July 2019 ay naglakas loob muli itong magsumbong sa kanyang lola, na agad namang

sinamahan sa pulisya para isumbong ang insidente.

Kaagad namang naglabas ang korte ng warrant of arrest ngunit nito lamang Hulyo 19, 2021 nang mahuli ang

suspek sa Barangay Lattac, Sto niño.

Hindi naman mabatid ni Abella kung magkasama sa iisang bahay ang biktima at akusado bago mangyari ang

panggagahasa.