Arestado ang isang lolo matapos isilbi ang warrant of arrest nito dahil sa kasong panggagahasa noong November 2018 sa lungsod ng Tuguegarao.

Kinilala ang akusado na si Tomas Guingab, 70-anyos at residente sa Barangay Cataggamman Pardo.

Mariin namang itinatanggi ng akusado na ginahasa niya ang 14-anyos na dalagita at nanindigang sinulsulan lamang ito upang siya ay kasuhan.

Kwento ng akusado, nakilala niya ang bata sa kanyang tindahan sa pamamagitan ng lola nito na kanyang kapitbahay.

Dahil sa umanoy awa sa bata ay tinulungan niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng allowance para sa pag-aaral ng bata.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit nang tumanggi umano ang akusado na magbigay ng P500 sa aniyay hinihingi ng bata na pambili ng regalo sa kaibigan ay dito na siya sinampahan ng kaso.

ang tinig ni Guingab

Samantala, walang inilaang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Rivera sa kasong rape habang tig P200,000 ang piyansa nito sa 2 counts of child a buse law.

Ang akusado ay hawak na ng PNP-Tuguegarao para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.