Arestado ang isang senior citizen sa Antipolo dahil sa umano’y pangmomolestiya sa isang 8-anyos na kapitbahay.

Base sa ulat, sinabi ng ina ng biktima na madalas hintayin ng suspek ang biktima na bumili sa isang tindahan.

Bibigyan umano ng suspek ang biktima ng P20 bago dalhin sa kanyang tahanan upang isagawa ang masamang balak nito.

Tumangging magkomento ang suspek na nahaharap sa apat na bilang ng statutory rape.