Naaagnas na ng matagpuan ang bangkay ng isang lolo na mahigit isang buwan nang napaulat na nawawala noong kasagsagan ng bagyong Falcon sa Fuga island sa bayan ng Aparri.
Positibong kinilala ng kanyang anak sa pamamagitan ng kasuotan ang bangkay na si Ernesto Agorilla, 67-anyos, residente sa Barangay Alasitan, Pamplona.
Ayon kay PMSgt. Junifer Paguirigan ng PNP Aparri, July 18 nang napaulat na nawawala ang biktima na pinaniniwalaang naanod dulot ng bagyo habang tumatawid sa ilog ng Barangay Minanga, Pamplona upang kunin ang kanyang parte sa mga huling isda.
Sinabi ni Paguirigan na maituturing na kabilang sa typhoon-related casualties ang biktima at wala namang nakikitang foul play sa kanyang pagkamatay.