TUGUEGARAO CITY- Inaalam na ng PNP ang armadong grupo na dumukot at bumaril-patay sa isang lolo sa Brngy. Piña Este, Gattaran, Cagayan kahapon, araw ng mga puso.
Sinabi ni PMAJ. Edwin Aragon, hepe ng PNP Gattaran, sa kanilang imbestigasyon, 10 armado ang pumasok sa bahay ng biktima na si Rodrigo Tombali,70, dating miembro ng NPA at dating CAFGU.
Makalipas ng ilang minuto ay may narinig na umanong putok ng baril ang mga residente sa lugar.
Nakita ang lolo na may tama ng baril sa kanyang dibdib sa isang palayan.
-- ADVERTISEMENT --
Sinabi pa ni Aragon na sa kanilang pagtatanong sa live-in partner ng biktima, sinabi ng isa sa grupo na marami na umano siyang kasalanan sa kanilang grupo kaya kailangan na siyang maparusahan ng kamatayan.