TUGUEGARAO CITY-Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa puno ng santol ang isang lolo dahil sa matindi umanong depresyon dahil sa problema sa kanyang kalusugan.
Kinilala ang biktima na si Herminio Lape, 60-anyos ng Barangay Sta. Barbara.
Ayon kay P/Cpt. Gil Pagulayan Jr., nadiskubre ng umaga ng August 4 ang katawan ng biktima na nakabitin gamit ang nylon rope sa puno ng santol na malapit sa kanyang bahay.
Sinabi ni Pagulayan na posibleng nauwi sa depresyon ang matinding pag-iisip ng biktima sa gastusin sa kanyang sakit na tuberculosis na umaasa lamang sa tulong mula sa kanyang kapitbahay.
Nabatid na mula sa Visayas ang biktima na dating may trabaho sa bayan ng Piat subalit huminto dahil sa kanyang sakit.
Sa ngayon ay inabisuhan na ang pamilya ng biktima sa nasabing pangyayari.