Halos hindi na makilala ang bangkay ng isang 62-anyos na lalaki matapos itong ma-trap sa sunog sa kanyang bahay, kaninang hapon sa Tuguegarao City.

Kinilala ang biktimang natusta nang buhay na si Claro Nastor, dating OFW at residente ng Barangay Carig Sur.

Nagsimula ang sunog alas 12:50 ng tanghali sa bahay ng lolo na sinasabing nakatulog sa isang ‘rocking chair’ sa kanilang sala habang naka-on ang television at walang kasama.

Nabatid na hirap makalakad ang biktima dahil sa kanyang sakit na diabetes at dahil gawa lamang sa light materials ang bahay ay mabilis kumalat ang apoy.

Kaagad namang naapula ang sunog ng rumespondeng bumbero bandang 1:20 ngayong hapon at nakita ang sunog na bangkay ng biktima kung saan ito natutulog.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na inaalam ng pamatay sunog sa lungsod ang halaga na ari-ariang natupok at ang sanhi ng sunog.