TUGUEGARAO CITY- Iniimbestigahan na ng PNP kung sino ang nakabangga-patay sa isang lolo kagabi sa Alcala,Cagayan.

Sinabi ni PCMSgt. Dark Win Tallano ng PNP Alcala na bubusisiin nila ang mga CCTV malapit sa pinangyarihan ng aksidente sa national highway sa Brngy.Baybayog.

Ayon sa kanya, wala kasing witness sa pagkakabangga kay Eliseo Bueno,61.

Sinabi niya na itinawag lang ng isang concern citizen na may nakita siyang nakahandusay sa kalsada at bisikleta.

-- ADVERTISEMENT --

Agad naman na dinala ang lolo sa ospital subalit wala na itong buhay.

Sinabi pa ni Tallano na galing ng ng Brngy.Jurisdiction ang biktima at nanghiram ng bisikleta para sana umuwi na sa Baybayog nang mangyari ang insidente.

tinig ni Tallano

Samantala, nananawagan naman ang misis ng biktima na si Thelma na sana ay matukoy kung sino ang bumangga sa kanyang asawa.

tinig ni Bueno