Love triangle ang isa sa tinitingnan motibo ng mga awtoridad sa pagbaril-patay sa isang babae sa isang party sa Sampaloc, Manila noong gabi ng Huwebes.
Ayon sa pulisya, binaril-patay ang 30-anyos na babae sa kalagitnaan ng party sa kalsada sa isang barangay.
Dumating ang dalawang indibidual na sakay ng motorsiklo at binaril ang babae na kinilalang si Carmen.
Natamaan din ang dalawang iba pa sa nasabing pamamaril.
Ang mga nasugatan ay isang tanod, ang isa ay live-in partner ng biktima.
Sinubukan ng live-in partner ng babae na habulin ang mga salarin, subalit mabilis na nakaalis ang mga ito.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang tunay na motibo sa krimen.