Makulimlim at may kalat-kalat na mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa epekto ng habagat at LPA.

Pangkalahatang maayos naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa.

Ang panibagong binabantayang 𝗟𝗢𝗪 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗔𝗥𝗘𝗔 (𝗟𝗣𝗔) ay huling namataan ng weather bureau sa layong 235 kilometro sa silangan ng Echague, Isabela, kaninang 3:00 AM.

Mataas na ang tiyansa nitong maging bagyo sa loob ng susunod na 48 oras. Kung sakali, ang susunod na pangalan sa listahan ay Bising.

Sa susunod na limang (5) araw ay inaasahang gigilid ito malapit sa sa hilagang bahagi ng Luzon bago kumilos palayo ng bansa kaya posibleng maapektuhan nito ang Northern Luzon.

-- ADVERTISEMENT --

Ngayong araw, inaasahang magdudulot na ito ng makulimlim na papawirin at paminsan-minsan hanggang sa pabugsu-bugsong mga pag-ulan sa IlocosRegion, CAR, CagayanValley, Aurora, at NuevaEcija.

Ang HABAGAT naman ang patuloy na nakakaapekto sa Central at Southern Luzon, Visayas, at Mindanao. Makulimlim at may paminsan-minsang mga pag-ulan at thunderstorm sa #MetroManila, CALABARZON, MIMAROPA, BicolRegion, WesternVisayas, at nalalabing bahagi ng CentralLuzon.

Pangkalahatang maayos ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa at may tiyansa lamang ng mga localized thunderstorm, lalo na sa hapon at gabi.