Isa nang tropical depression o mahinang bagyo ang low pressure area sa silangan ng southeastern Luzon at tinawag itong Nika.

Namataan ang sentro ng RD Nika sa 1,145 kilometer sa silangan ng Southeastern Luzon.

Ito ay kumikilos pa-hilaga sa bilis na 30 km/h, at may taglay na lakas ng hangin na 55 km/h at pagbugso na hanggang 70 km/h.

Tinaya na patuloy ang pagkilos ni Nika pa-west northwestward.

Sa track forecast, posibleng mag-landfall ang bagyo sa Isabela o Aurora sa Lunes (November 11).

-- ADVERTISEMENT --

Posibleng unti-unting lalakas si Nika at maaaring maabot ang severe storm category sa Lunes ng umaga bago ito mag-landfall.

Itinaas na ang tropical wind signal no. 1 sa Catanduanes.