Makulimlim at may kalat-kalat na mga mahina hanggang sa malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa epekto ng habagat at LPA.

Pangkalahatang maayos naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa, ngunit may tiyansa rin ng mga localized thunderstorm.

Inaasahang mararanasan ang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Batanes, Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte, Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro

Samantala, ang binabantayang 𝗟𝗢𝗪 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗔𝗥𝗘𝗔 (𝗟𝗣𝗔) ay huling namataan sa layong 125 km sa silangang hilagang silangan ng Aparri, Cagayan, kaninang 3:00 AM.

Nananatiling may tiyansa itong maging ganap na bagyo sa loob ng susunod na tatlong araw na papangalanang Bising.

-- ADVERTISEMENT --

Maaaring magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal sa Extreme Northern Luzon kung sakaling maging bagyo ito.

Sa susunod na tatlong araw ay posibleng tawirin nito ang Extreme Northern Luzon bago kumilos patungo sa Taiwan at southern Japan.

Ngayong araw, inaasahang magdudulot na ito ng makulimlim na papawirin at paminsan-minsan hanggang sa madalas na mga mahina hanggang sa malalakas na pag-ulan sa IlocosRegion, CAR, Cagayan Valley, at Aurora.

Ang 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗧 (𝗦𝗢𝗨𝗧𝗛𝗪𝗘𝗦𝗧 𝗠𝗢𝗡𝗦𝗢𝗢𝗡) naman ang patuloy na nakakaapekto sa Central at Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Makulimlim at may pabugsu-bugsong mahina hanggang sa minsang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro.

Halos maulap hanggang sa makulimlim at may paminsan-minsang mga pag-uulan at thunderstorm rin sa nalalabing bahagi ng Luzon at sa WesternVisayas.

Bahagyang maulap hanggang sa makulimlim sa nalalabing bahagi ng bansa at may tiyansa ng mga localized thunderstorm, lalo na sa hapon at gabi.