Naging bagyo na ang binabantayang LPA bagamat nasa labas ito ng PAR at nasa bahagi ito malapit sa bansang Vietnam.
Huling namataan ang bagyo sa layong mahigit isang libong kilometro sa kanluran ng Central Luzon, may lakas na 45KM/H malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55KM/H.
Itoy kumikilos pakanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 25KM/H. Ang bagyo ay walang pangalan dahil ito ay nasa labas ng PAR at hindi namang inaasahang makakaapekto sa ating bansa.
Samantala, bagamat walang direktang epekto ang bagyo ay patuloy naman nitong paiigtingin ang HABAGAT na siyang magdadala ng mga pagulan lalong lalo na sa may Kanlurang bahagi ng Luzon particular sa Palawan at MIndoro kaya inaasahan pa rin ang malaking tyansa ng mga pagulan sa mga nabanggit na lugar kasama na ang Western Visayas at malaking baghagi ng Mindanao.
Sa ngayon ay patuloy namang minomonitor ang kumpol ng kaulapan o cloud cluster sa silangang bahagi ng Mindanao at posibleng maging LPA sa mga susunod na oras o araw at hindi rin inaalis ang posibilidad na maging bagyo ngayong Linggong ito.
Inaasahan naman itong lalapit sa bahagi ng Mindanao kung kaya asahan bukas na magtutuloy tuloy ang mga pagulan sa bahagi ng Visayas at Mindanao kasama na ang Southern Luzon. Sa bahagi naman ng Central at dito sa Northern Luzon ay asahan pa rin ang mainit na tanghali ang mararanasan subaluit malaki ang tyansa ng nga thunderstorms sa hapion hanggang sa gabi dulot ng localized thunderstorms.