Isang low prfessure area (LPA) ang nabuo sa silangan ng Mindanao kaninang umaga.
Sa 24-hour tropical cyclone formation outlook, sinabi ng PAGASA na ang LPA ay may mababang tsansa na maging tropical depression sa susunod na 24 oras.
Matatandaan na nitong nakalipas na linggo, sinabi ng PAGASA na posibleng isang tropical cyclone ang papasok sa Philippine Area of Responsibiliy (PAR) mula December 16 hanggang 22.
Idinagdag pa state weather bureau na ang posibleng weater disturbance ay tinatayang kikilos patungong Visayas-Southern Luzon area.