Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang low pressure area (LPA).

Ayon sa State weather bureau, dakong 10:00 p.m. nang pumasok sa PAR ang binabantayang LPA na nasa 695 km east ng Butuan City, Agusan del Norte.

Malaki ang na ito ay maging bagyo sa loob ng 24 na oras.

Apektado ng mga kalat-kalat na pagulan na dulot ng LPA ang Caraga, Davao Region, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, Central Visayas, Lanao del Sur, Maguindanao, Leyte, Southern Leyte, at Eastern Samar.

Samantala, ang southwest monsoon ang nakakaapekto sa western sections ng southern Luzon at Visayas.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan at nalalabing bahagi ng Mindanao, kasama ang Western Visayas, Negros Island Region, at Occidental Mindoro.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay magiging maaliwalas ang panahon ngayong Sabado, maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan lalo na sa hapon o gabi dulot ng localized thunderstorms.