Huling namataan ang sentro ng mata ng bagyong Marce sa 165 km west ng Batac, Ilocos Norte na may taglay na lakas ng hangin na 140 km/h malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 170 km/h.

Kumikilos ito pa-west southwest sa bilis na 20 km/hr.

Maliit lamang ang radius ng bagyo kahit ito ay malapit pa rin sa landmass ng northern Luzon na nakakaapekto na lamang Ilocos Region habang wala na itong direktang epekto sa iba pang bahagi ng ating bansa.

Samantala, may minomonitor na isang low pressure area na nasa layong 1,770 km silangan ng southeastern luzon.

mababa ang tsansa na maging bagyo ang nasabing LPA sa loob ng 24 oras, subalit hindi tinatanggal ang posibilidad na ito ay lalakas at mabuo bilang tropical depression sa susunod na mga araw.

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahan na papasok ang LPA mamayang gabi o bukas ng umaga sa philippine area of responsibility.

Posibleng magdulot ng mga pag-ulan ang LPA sa eastern section ng Luzon area.

Nakataas pa rin ang signal no. 2 sa mga sumusunod na lugar:

Northern portion ng ng mainland Cagayan-ang Claveria at Santa Praxedes, Kalanasan at Kabugao sa Apayao, Abra, Ilocos Norte, at ilang bahagi ng northern Ilocos Sur.

Signal no. 1 naman sa Batanes, Babuyan Islands, nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, north at western portions ng Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, La Union, at northern at central portions ng Pangasinan
Posibleng lumabas ng PAR ang bagyong Marce ngayong hapon o mamayang gabi.