Tuluyan nang nakapasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility kaninang 2AM ang binabantayang Low Pressure Area sa labas ng PAR.
Ayon sa state weather bureau, mataas na ang tyansa nitong maging bagyo sa mga susunod na oras at papangalanang ‘Nika’, ang Ika- 14 na bagyo sa loob ng PAR ngayong taon.
Huli itong namataan sa layong 1,150 km East of Southeastern Luzon.
May dalawang senaryong tinitingnan sa track nito, ang una ay posibleng dumaplis o maglandfall sa bahagi ng Bicol Region o ikalawa ay maaaring tumama sa bahagi ng central-northern Luzon area.
Pinaghhahanda ang mga nabanggit na lugar lalo nat malakas o mahina man na bagyo si Nika at posibleng magdala muli ito ng malawakang pagulan kung saan saturated na ang lupa at maaaring magsanhi ng pagbaha.
Bukod kay Nika ay posible namang pumasok pa ang nasa tatlong bagyo sa ating PAR sa mga susunod na araw na banta sa ating bansa.
Samantala, ang bagyong Marce na nasa labas na ng PAR ay namataan sa layong 500 KM WEST OF LAOAG CITY, ILOCOS NORTE. Taglay nito ang lakas ng hangin malapit sa gitna na nasa 155 KM/H at pagbugsong aabot sa 190 KM/H. Kumikilos ito WEST NORTHWESTWARD sa bilis na 20 KM/H.
Ngayong araw apektado ng easterlies o ang mainit na hangin mula sa dagat Pasipiko ang Cagayan Valley at Aurora habang Localized Thunderstorms naman ang nakakakapekto sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa