Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), subalit mababa ang posibilidad nitong maging isang tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.
Ayon sa pinakahuling inilabas na advisory ng PAGASA, hindi inaasahan na lalakas ang naturang sama ng panahon upang maging bagyo.
Gayunpaman, pinaalalahanan pa rin ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga update.
Huling namataan ang LPA sa paligid ng Castilla, Sorsogon.
Inaasahan nitong magdudulot ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila, Visayas, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol Region.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga pulutong na pag-ulan at pagkulog dulot ng Easterlies.
Sa Mindanao naman, posible ring magkaroon ng maulap na panahon na may mga panaka-nakang ulan dulot ng localized thunderstorms.