Patuloy na binabantayan ang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Ang nasabing LPA ay napakaloob sa intertropical convergence zone o mga kaulapan.
Sa susunod na 24 oras ay maaaring maging isang ganap na bagyo ang binabantayang LPA.
Samantala, huli itong namataan sa layong 155 km east southeast ng Tagum City, Davao Del Norte.
Nakakaapekto na ang mga kaulapan nito sa buong bahagi ng Visayas at Mindanao, kaya asahan ang maulan na panahon sa nasabing lugar.
Habang sa nalalabing bahagi naman ng Luzon ay nakakaapekto naman ang northeast monsoon.
Ngayong araw ay asahan ang Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa bahagi ng Eastern Visayas, Caraga at Davao Region.
Habang Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog naman ang iiral sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao.
Sa bahagi naman ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora ay asahan ang Maulap na kalangitan na may mga pag-ulan habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mahihinang pag-ulan naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.