
Nabuo na bilang tropical depression ang low pressure area sa West Philippine Sea sa Subic Bay at tinawag itong “Jacinto.”
Ang sentro ni Jacinto ay sa 480 kilometers West ng Subic Bay.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 km/hr malapit sa gitna, at pagbugso na hanggang 55 km/hr.
Ito ay kumikilos pa-northwestward ang TD sa bilis na 20 km/hr.
Kikilos ang TD Jacinto pa-northwestward sa susunod na 24 at lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi.
-- ADVERTISEMENT --
Kasunod nito ay kikilos ito ng pa-kanluran hilagang-kanluran sa West Philippine Sea papuntang northern o central Vietnam, kung saan posibleng ito ay mag-landfall sa araw ng Sabado at posibleng maging tropical storm category bukas ng gabi.