Tuguegarao City- Mahigpit na isasailalim sa mandatory quarantine ang mga Locally Stranded Individuals (LSIs) na nais umuwi sa bayan ng Calayan.
Sa panayam kay Mayor Joseph Llopis, tinatayang aabot sa 947 LSIs ang kabuuang bilang ng mga inaasahang umuwi sa kanilang bayan.
Sa huling datos ay 720 individuals na sundo ng kanilang tanggapan at napauwing ligtas habang ngayong araw (June 2) ay inaasahan pa ang 24 na indibidwal na darating.
Paliwanag ng alkalde ay isinasailalim ang lahat ng mga LSIs sa rapid testing upang makatiyak at makagawa ng hakbang ang LGU Calayan sakaling may makitaan ng sintomas ng sakit.
Sinabi pa ng alkalde na pinaghahandaan na rin nila ang pag-uwi ng mga residenteng nais magbalik probinsya sa ilalim pa rin ng programa ng pamahalaan.
Ayon sa kanya ay nasa 7 katao na ang nag-apply na uuwi at sila ay mangagagaling naman sa Metro Manila.
Tiniyak naman ni Llopis na hihigpitan ng LGU Calayan ang pagpapatupad ng mga alituntunin upang makaiwas sa sakit bunsod pa rin ng COVID-19 pandemic.