Pormal nang umupo bilang bagong commander o pinuno ng 17th Infantry “Do or Die” Batallion, Philippine Army si Lt/Col. Angelo Saguiguit.

Isinagawa ang opisyal na Change of Command Ceremony sa Barangay Masin, Alcala na pinangunahan ni Maj. General Pablo Lorenzo, commanding officer ng 5th Infantry Division, Philippine Army.

Pinalitan ni Saguiguit si Lt. Col. Jesus Pagala na itatalaga bilang operations officer ng 5th ID.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ng bagong commander na asahan na ipagpapatuloy niya ang magagandang nasimulan ni Pagala kaugnay sa laban kontra insurhensiya.

Paiigtingin din niya ang koordinasyon at hiniling ang suporta ng mga stakeholders upang matugunan ang mga problema sa lipunan.

-- ADVERTISEMENT --

Si Saguiguit ay dating Executive Officer ng 502nd IB na nakabase sa Echague, Isabela

Present din sa seremonya sina B/Gen Henry Doyaoen ng 503rd IB, B/Gen Laurence Mina, commander ng 502nd IB, Gov Manuel Mamba at mga lokal na opisyal.