Paiigtingin pa lalo ng bagong talagang commanding officer ng 17th Infantry Batallion, Phil Army ang mga operasyon laban sa New Peoples Army (NPA).

Sa isinagawang turn over ceremony, sinabi ni Lt. Col. Jets Pagala na bukod sa laban kontra insurhensiya ay tututukan din nito ang laban ng pamahalaan kontra illegal na droga at mga isyu sa pangkalikasan.

Ipagpapatuloy din nito ang mga nasimulang proyekto at programa ng dating commanding officer na si Lt. Col. Camilo Saddam tulad ng all in one bayanihan, medical and dental civic program, at pakikipag-tulungan sa publiko.

Bilang dating commander ng 77th Infantry battalion na namuno sa hanay ng Cafgu Active Auxiliary, sinabi ni Pagala na malaking hamon sa kanya ang bagong tungkulin subalit tiniyak niya na hindi ito magiging hadlang upang hindi mapaganda at makapag-paabot ng serbisyo sa mga mamamayan.

Samamtala, pinalitan ni Col Pagala si Lt Col camillo saddam na madedestino naman ngayon sa 5th ID.

-- ADVERTISEMENT --